Ipagkakaloob na reward ng PAGCOR kay Carlos Yulo, umakyat na sa P20-M

Dahil dalawang gintong medalya ang naibulsa ni Filipino gymnast Carlos Yulo sa 2024 Summer Olympic Games ay umakyat na sa P20 million ang ipagkakaloob na reward sa kanya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2025 national budget ay sinabi ni PAGCOR chairman Al Tengco na base ito sa itinatakda ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Ayon kay Tengco, base sa batas ay P10-M ang reward sa kada olympic gold medal at 50 percent nito ang para sa coach at trainer ng atleta.


Bunsod nito ay inihayag ni Tengco na kabuuang tig-P5 milyong naman ang matatanggap ng coach at personal trainer ni Yulo.

Facebook Comments