IPAGLABAN ANG TAMA | Magkaisa laban sa baluktot na polisiya ng gobyerno – Sen. Leila de Lima

Manila, Philippines – Kasabay ng paggunita sa araw ng bayaning si Gat Andres Bonifacio ay umapela si Senator Leila de Lima sa taong bayan na magkaisa laban sa baluktot na polisiya ng administrasyon.

Ayon kay de Lima, dapat tularan ng bawat isa ang hindi matatawarang pagmamahal sa inang bayan ni Gat Bonifacio.

Diin ni de Lima, dapat sundan natin ang ginawa ni Bonifacio na pagsusulong sa interes ng Bayan, pagtatanggol sa mahihirap na Pilipino laban sa mapang-api at kasuklam-suklam na pamahalaan.


Ayon kay de Lima, bilang tunay na lalaki ay batid ni Gat Bonifacio ang pagdurusa at pangangailangan ng maraming Pilipino na dapat tugunan ng gobyerno sa halip na lalo silang apihin at paasahin sa pangakong pagbabago.

Diin ni de Lima, ngayon ay muling nababalot ng kadiliman ang ating bansa kaya hindi tayo dapat maging manhid at mawalan ng tapang para ipaglaban ang tama at ang ating mga karapatan.

Facebook Comments