IPAGLALABAN | P750 national minimum wage, igigiit bukas sa Labor Day

Manila, Philippines – Ipapanawagan ng MAKABAYAN sa Kamara ang P750 national minimum wage bukas Labor Day.

Hinihimok ni Anakpawis Party List Representative Ariel Casilao ang publiko na makilahok sa panawagan sa Duterte administration na magkaroon ng uniformed daily wage para sa lahat ng mga manggagawa sa bansa.

Tinukoy ng kongresista ang TRAIN Law na pangunahing dahilan para kumilos na ang pamahalaan na itaas ang sahod ng mga manggagawa.


Sinabi ng kongresista na ang epekto ng TRAIN sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mga serbisyo ay nagpapababa lalo sa halaga ng sinusweldo ng maraming Pilipino.

Batay aniya sa IBON Foundation, para mabuhay ng disente ang isang pamilya na may anim na myembro ay mangangailangan ng P1,168 kada araw at ang pamilya na may limang myembro ay mangangailangan naman ng P973 kada araw.

Facebook Comments