Manila, Philippines – Muling ipagpapatuloy ngayong araw ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ang pagdinig kaugnay sa “Fake News”.
Pero sinabi ni Senador Grace Poe, chairman ng komite na hindi makadadalo sa nasabing pagdinig si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Aniya, may ibang event na pupuntahan si Uson na naikasa na bago pa man matanggap ang imbitasyon ng senado hinggil sa naturang pagdinig.
Gayunman, tiyak naman ang pagdalo nina Communications Secretary Martin Andanar at Asec. Marie Banaag para sa panig ng pamahalaan.
Kasama rin sina Rappler CEO Maria Ressa, PCIJ Executive Director Malou Mangahas at ang mga blogger na sina Jover Laurio, Ellen Tordesillas at iba pa.
Facebook Comments