IPAGPAPATULOY | Voters registration, bubuksan ng COMELEC bukas

Manila, Philippines – Nakatakdang ipagpatuloy ng Commission on Elections (COMELEC) bukas, July 2 ang voters registration para sa may 2019 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez – tatanggap ang poll body ng mga application para sa bagong registration, reactivation, transfer, correction ng entry, at reinstatement ng records sa voters list.

Magiging bukas ang mga tanggapan ng COMELEC, Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


Magtatagal ang registration hanggang September 29, 2018.

Samantala, wala munang mangyayaring pagpaparehistro sa Marawi City habang patuloy ang isinasagawang rehabilitation nito.

Facebook Comments