Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice at ang Public Attorney’s Office na ipagpatuloy ang ginagawang autopsy sa mga batang namatay matapos turukan ng anti-dengue vaccine o Dengvaxia.
Ito ang iniatas ni Pangulong Duterte matapos makapulong ang DOJ, PAO at ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC kung saan pinagusapan ang Dengvaxia.
Sa isang interview kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez, inatasan ni Pangulong Duterte si Justice Secretary Vitallano Aguirre at PAO Chief Persida Acosta na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa mga ininihalang namatay dahil sa nasabing gamot.
Ipinagutos din aniya ni Pangulong Duterte na wala dapat tatanggihang pamilya ang DOJ at PAO na humihingi ng tulong lalo na kung gusto ng mga ito na ipa-autopsy ang namatay na mahal sa buhay.
Dapat aniyang ibigay ng DOJ at ng PAO ang lahat ng kanilang maibibigay na tulong sa mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa issue.
IPAGPATULOY | DOJ at PAO, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ihinto ang autopsy at imbestigasyon sa mga sinasabing biktima ng Dengvaxia
Facebook Comments