Manila, Philippines – Iginiit ng Philippine Competition Commission (PCC) na dapat manatili ang serbisyo ng Transport Network Company na Uber.
Ayon kay PCC Commissioner Stella Quimbo, ipapatupad nila na ang Grab at Uber applications ay mananatiling hiwalay ang operasyon lampas ng April 8.
Nabatid na sa nabanggit na petsa magtatapos ang operation ng Uber sa Pilipinas.
Pero nilinaw naman ng PCC na hindi pa pinal ang kanilang desisyon.
Naniniwala naman si Grab Philippines Country Head Bryan Cu, magkakaroon lamang ng problema sa paglipat ng mga drivers sa Grab kung mananatili ang paggamit ng Uber app.
Una nang inihayag ng Grab na ang mga ibo-book na rides pagkatapos ng April 8 ay gagawin na sa kanilang platform matapos nilang kunin ang Southeast Asian operations ng Uber.