
Ipinagutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang striktong pagpapatupad ng Anti-Epal policy sa buong bansa.
Kung saan agarang pinatatanggal ang mga pangalan at imahe ng mga pulitiko sa lahat ng mga proyekto ,programa,aktibidad at sa mga properties ng gobyerno.
Ang nasabing kautusan ay para sa lahat ng lokal na pamahalaan at DILG offices sa buong bansa sa bisa ng memorandum na inilabas ng ahensya.
Binigyang diin ni SILG Jonvic Remulla, na ang mga proyekto ng gobyerno ay binayaran ng mga tao at hindi dapat gamitin para sa personal na promosyon.
Kaugnay nito, hinikayat ni Remulla ang publiko na ireport ang mga makitang lalabag sa nasabing Anti-Epal Policy.
Facebook Comments










