Manila, Philippines – Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang kanyang utos sa Philippine National Police na sitahin ang mga Tambay sa kalye at pauwiin sa kanilang mga bahay at kung hindi susunod ay arestohin ang mga ito.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, alam niya ang kanyang ginagawa dahil dati siyang Piskal at matagal niya itong ginawa.
Pero sakali aniyang magdesisyon ang Korte Suprema at sabihin na unconstitutional ang kanyang utos ay agad naman aniya niya itong susundin.
Pero nangangamba naman si Pangulong Duterte na sakaling itigil ang kampanya laban sa krimenalidad sa bansa ay muling tataas ang insidente ng mga krimen at siya din naman ang masisisi sa bandang huli.
Facebook Comments