IPAKALAT | Ginagawang reporma sa justice system, dapat ipamalita sa publiko

Manila, Philippines – Hinimok ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang mga kawani ng Hudikatura na ipamalita sa publiko ang mga ipinatutupad na reporma sa Justice system.

Ginawa ni Sereno ang pahayag sa Christmas party ng mga empleyado ng Supreme Court.

Ibinida rin ni Sereno ang mga achievements ng Kataas-taasang Hukuman mula nang maupo siya bilang Punong Mahistrado noong Agosto 2012.


Tinukoy ni Sereno ang mga nasimulan niyang reporma tulad ng Electronic Courts o (E-Courts) at Automated Hearing, gayundin ang implementasyon ng continuous trial sa criminal courts.

Facebook Comments