IPAKIKILALA | Mga bagong miyembro ng gabinete, posibleng i-anunsiyo bukas ng Pangulo sa cabinet meeting

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na posibleng bukas ay i-anunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong magiging miyembro ng kanyang gabinete sa gaganaping Cabinet Meeting dito sa Malacañang.

Ito ay sa harap narin ng nakatakdang panunumpa ni dating Congressman Karlo Nograles bilang Secretary to the Cabinet kapalit ni Leoncio Evesco Jr na tatakbong Gobernador ng lalawigan ng Bohol.

Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, pinili ni Pangulong Duterte si Nograles dahil nagtitiwala dito ang Pangulo.


Sa harap nito ay hindi naman makumpirma ni Panelo na itinalaga na ni Pangulong Duterte si Senador Gringo Honasan bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology o DICT na una narin namang naibalita na sa darating na Desyembre mauupo bilang miyembro ng Gabinete.
Sinabi ni Panelo na bukas ay posibleng banggitin na ng Pangulo sa harap ng kanyang gabinete ang mga magiging bagong miyembro ng kanyang official Family.

Matatandaan na ilang cabinet positions ang nabakante matapos magsumite ang ilan sa mga ito ng kanilang mga Certificate of Candidacy para sa halalan sa susunod na taon.

Kabilang dito sila dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go, dating Secretary Evasco, dating Political Affairs Secretary Francis Tolentino, dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dating Presidential Spokesman Secretary Harry Roque at iba pa.

Facebook Comments