Manila, Philippines – Muling magsasagawa ng malawakang kilos protesta ang grupong pinagkaisang samahan ng mga tsuper at operators nationwide o Piston.
Ayon kay Piston National President George San Mateo, kakalampagin nila ang lahat ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa buong bansa sa Enero a-24.
Aniya, nais nilang ipakita ang kanilang pagtutol sa public utility vehicle modernization program ng gobyerno.
Sinabi pa ni San Mateo, mabuting ipasa sa mga kumpaniya ng langis ang pagpasan sa hiling nilang anim na pisong diskwento sa kada litro ng produktong petrolyo.
Hindi rin aniya katanggap tanggap ang pantawid pasada budget ng pamahalaan dagil napakaliit nito at ipapasa lang rin ng gobyerno ang pagbawi nito sa buwis ng mamamayan.