UMINGAN, PANGASINAN – Ininspeksyon ng mga matataas na kawani ng Department of Agrarian Reform ang ipamamahaging libreng lupa mula sa ahensiya para sa mga benepisyaryo nitong magsasaka.
Sa ilalim ng programang Balai Farmers and Farmworkers Housing project, ininspeksyon at binisita ito dating DAR Secretary na si Bro. John Castriciones kasama ang ilan pang mga opisyales ng DAR mula sa DAR Central Office, DAR Ilocos Region, DHSUD, at Umingan LGU ang nasa 26,111 na metro kwadradong lupa para sa housing program sa mga Agrarian Reform Beneficiaries.
Samantala, target na ipapatayong housing unit dito ay nasa 184 kung saan nasa 184 ding benepisyaryo ang mabibigyan ng libreng lupa sa ilalim ng Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive Filipino farmers o BALAI kung saan lupa lang ang ibibigay ngunit ang bahay o yunit na ipapatayo ay kanilang babayaran.
Bawat yunit ay nagkakahalaga ng P300,000 kung saan mayroong lot area na 75 sqm at maaaring mabayaran sa loob ng 30 taon sa napakaliit na halaga.
Ang proyektong ito ay maisakatuparan sa tulong ng Department of Human Settlement and Urban Development, National Home Mortgage Finance Corporation, Bella Vita at ang lokal na pamahalaan ng Umingan. | ifmnews