Manila, Philippines – Hinikayat ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na i-check muna sa website ng LTO kung kabilang sila sa 700,000 mabibigyan ng plaka ngayong Pebrero.
Ayon kay LTO Enforcement Service Director Francis Almora – ito ay para hindi maabala ang mga motorista at maiwasan ang gulo sa pagkuha ng plaka.
Huwag muna aniyang pumunta sa opisina ng LTO dahil hindi lahat ay mabibigyan agad ng plaka.
Taong 2015 pa sana naipamahagi ang mga plaka pero matatandaang pinigil ito ng Supreme Court matapos na maglabas ng Notice of Disallowance ang Commission on Audit.
Ito ay dahil sa umano’y kwestiyonableng pagba-budget sa proyektong Plate Standardization.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng technical working group ng LTO ang panukalang pagpapalaki sa sukat ng plaka ng mga motorsiklo.