IPAPADALA | Mga sumukong NPA rebels, planong ipadala ni PRRD sa China o Hong Kong

Manila, Philippines – Planong ipadala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China o Hong Kong ang mga sumukong miyembro ng New Peoples Army o NPA.

Ayon sa Pangulo, nais niyang ipabatid sa mga dating komunista kung anong klaseng communist government ang umiiral sa China kumpara sa isinusulong ni Communist Party of the Philippine Founding Chairman Jose Maria Sison.

Matapos aniya nito ay papayagan niyang bumalik sa bundok ang mga dating rebelde para maibahagi nila sa kanilang mga kasamahan ang tungkol sa pag-unlad ng China.


Kasabay nito, muling nanawagan ang Pangulo sa natitirang miyembro ng NPA na iwan na Sison.

Iginiit pa ni Duterte na hindi mananalo ang NPA sa giyera laban sa gobyerno.

Facebook Comments