Manila, Philippines – Posibleng inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod ng maagang pagreretiro ni Outgoing Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, pinalawig ang panunungkulan ni Guerrero hanggang April 24, subalit pinaaga ito sa April 18 dahil sa hectic schedule ng Pangulo.
Una nang sinabi ni Lorenza na kabilang sina Western Mindanao Command Chief, Lieutenant General Carlito Galvez Jr. at Eastern Mindanao Command Chief, Lieutenant General Benjamin Madrigal sa mga pinagpipilian bilang susunod na pinuno ng AFP.
Facebook Comments