Manila, Philippines – Gagamitin na para sa agrikultura ang halos 25 ektarya ng lupa ng isla ng Boracay.
Ito ang inanunsyo ng Department of Agrarian Reform (DAR) kasabay ng pagpapatupad ng first phase ng land distribution sa loob ng 90 araw.
Ayon aky DAR Undersecretary for Policy, Planning and Research Office at Spokesperson David Erro, nasa 80 katutubong Aeta ang unang magiging benepisyaryo ng lupa sa ilalim ng Agrarian Reform Program sa pamamagitan ng Executive Order (EO).
Binigyan aniya sila ni Pangulong Rodrigo Duterte ng go-signal para tanggalin ang mga istraktura sa ipapamahaging lupa.
Isinumite na nila sa Office of the President ang draft ng EO.
Iginiit pa ni Erro, tanging ang Korte Suprema lang ang makakapagpigil sa gagawin nilang implementation kapag nag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO).