IPAPAMIGAY NA | Ilang plaka ng mga sasakyan, ipamamahagi na sa Marso 2018

Manila, Philippines – Mamimigay na ng mga plaka ng mga sasakyang binili mula January 2016 hanggang December 2017 ang Land Transportation Office sa March 2018.
Ito ay sa kabila ng nakabinbin na kaso sa Korte Suprema laban sa LTO dahil sa kontrobersiyal na bidding noong 2013 para 3.8-billion pesos na halaga ng mga plaka.

Mariin namang itinanggi ni LTO Exec. Director Romeo Vera Cruz na nagkaroon ng pagmamanipula sa bidding.

Dagdag pa ng LTO, kaya nilang masolusyonan ang backlog sa kabila ng mga nakabinbin nilang kaso basta maglaan ng pondo ang pamahalaan


Facebook Comments