Ipapangalan sa kina Dr. Jose Rizal at General Antonio Luna ang dalawang bagong pandigma ng Philippine Navy.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ginagawa na ng South Korean ship builder na Hyundai Heavy Industries ang dalawang missile-armed frigates.
Sa ilalim ito ng 16-bilyong pisong kontrata na nilagdaan ng Pilipinas at Hyundai.
Pero, nangangailangan pa ng karagdagang 2-bilyong piso para sa weapon system at munition.
Nito lang September 17 nang isagawa ang ‘steel cutting’ para sa ikalawang frigate at sinundan ng ‘keel-laying’ sa unang barko noong October 16 sa Ulsan, South Korea.
Ang naunang dalawang frigate ng navy ay bininyagan na BRP Tarlac at BRP Davao.
Sa 2020, inaasahang mapapasakamay na ng Pilipinas ang unang frigate at sa 2021 naman ang pagdating sa bansa ng dalawang barkong pandigma.