IPAPASA SA PANGULO | P2,000 local travel allowance, inaprubahan sa Kongreso

Manila, Philippines – Inaprubahan sa Kongreso ang resolusyong humihimok sa Pangulo na taasan ang arawang local travel allowance ng mga government officials at personnel na nasa official business.

Sa ilalim ng house resolution 243 na iniakda ni ABS Partylist Representative Eugene De Vera – mula sa kasalukuyang 800 pesos na daily travel allowance ay gagawin itong 2,000 pesos.

Nakasaad dito na kinakailangan ang restructure sa sistema ng pagbibigay ng allowance sa pamamagitan ng pagpapatupad ng periodic increase batay sa halaga ng piso.


Base sa bagong resolusyon, ang isang libong piso ay ilalaan sa hotel o lodging, 600 pesos sa pagkain at 400 pesos sa incidental expenses.

Nabatid noong 2004, pinirmahan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order no. 298 kung saan itinakda ang 800 pesos ang local travel allowance kahit na ano pa ang destinasyon nito.

Facebook Comments