IPAPASURI | Planong pagtaas ng pasahe sa LRT, pinare-review ni Senator Poe

Manila, Philippines – Iginiit ni committee on Public Service Chairperson Senator Grace Poe sa Department of Transportation o DOTr at Light Rail Transit o LRT board na pag-aralan munang mabuti ang planong pagtaas sa singil sa pasahe ng P5 hanggang P7.

Iminungkahi din ni Senator Poe na kung hindi man mapipigilan ang taas-pasahe sa LRT ay pwede naman itong gawin ng paunti unti at hindi isang bagsakan lang.

Ikinatwiran ni Senator Poe na karamihan sa tatamaan nito ay ang mga pasahero mula sa mga mahihirap na komunidad na apektado din ng pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa Tax Reform For Acceleration o TRAIN Law.


Umapela si Poe, na bago ipatupad ang fare increase sa LRT ay makabubuting hintayin muna ang resulta ng ginagawang diskusyon para sa pagsuspinde ng ilang mga probisyon ng TRAIN Law.

Facebook Comments