IPAPATAWAG | Incoming Ombudsman Samuel Martires, ipapatawag ang nakalabang si Atty. Edna Batacan

Manila, Philippines – Bilang pasimula ng kanyang bagong trabaho sa Office of the Ombudsman bukas.

Ipapatawag ni Incoming Ombudsman Samuel Martires ang nakalaban niya sa posisyon na si Atty. Edna Batacan.

Si Batacan ay dati ring abogado ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Matatandaang sinabi noon ni Batacan sa isang public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) na talamak ang korapsyon sa Ombudsman.

Ayon pa kay Batacan, sinasadyang i-delay ang mga kaso para maningil ng tinatawag na “parking fee”.

Kasabay nito ay inamin ni Martires na problema nga sa Ombudsman ang inordinate delay kung saan nagiging basehan ito ng pagbasura ng kaso dahil nalalabag ang karapatan ng mga akusado sa speedy trial.

Isa aniya ito sa kanyang aaksyunan pagka-upo niya sa bago niyang tanggapan.

Kasabay nito ay nagbigay naman si Martires ng mensahe sa mga bago niyang makakatrabaho.

Umapela na rin si Martires sa kanyang mga kritiko na bigyan muna siya ng pagkakataong gampanan ang kanyang trabaho.

Facebook Comments