Manila, Philippines – Ipapatawag ng Kamara ang mga kinatawan ng National Price Coordinating Council o NPCC.
Ito ay para alamin ang naging hakbang ng NPCC para tugunan ang epekto ng mataas na inflation sa bansa.
Iginiit ni House Majority Leader Rolando Andaya na sa ilalim ng Price Act of 1992, ang NPCC ay inaatasan na mag-report sa Pangulo at sa Kongreso ng dalawang beses sa loob ng isang taon.
Ire-report ng NPCC ang status ng mga programa ng bawat ahensiya ng pamahalaan at sa kumprehensibong estratehiya ng konseho para mapanatiling matatag ang presyo ng bilihin.
Sa oras na ipatawag ng Kongreso, aalamin sa NPCC kung mayroong malawakang hoarding at iligal na price manipulation sa merkado.
Sisilipin din kung nasusunod ba talaga ang suggested retail price o SRP at kung anong parusa ang ipinapataw sa mga lumalabag dito.