Nagsimula na ang proseso sa pagpapatayo ng Onion Cold Storage Facility sa Brgy. Amancosiling Sur, Bayambang matapos ang Groundbreaking ceremony kahapon.
Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng higit P245 million mula sa Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project at may kapasidad na makapag-imbak ng nasa 145,000 bag ng sibuyas.
Tinalakay din sa seremonya ang magiging kabuuan ng proyekto kabilang ang disenyo at implementasyon.
Ipinaliwanag din ang benepisyong maidudulot ng pasilidad sa pagpapanatili ng kalidad at matulungang kumita ang mga magsasaka sa lokal na inaaning sibuyas.
Sumasalamin ang proyekto sa inaasahang pagyabong pa ng sektor ng agrikultura sa bayan at maiangat ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka bilang isa sa mga onion-producer town sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






