Ipapatayong SSS Regional Office sa Lalawigan ng Isabela, Malaking Tulong Ayon kay Vice Governor Tonypet Albano!

157

City of Ilagan, Isabela – Malaking tulong dito sa lalawigan ng Isabela ang ipapatayong Social Security System Regional Office lalo na sa mga mamamayan na mula sa Qurino at sa karatig na probinsya.

Ito ang naging pahayag ni Vice Governor Tonypet Albano sa isinagawang Ceremonial Turn-Over of Lot Donation, Signing of Memorandum of Agreement at Ground Breaking Ceremony kahapon sa ipapatayong SSS Regional Office sa kapitolyo ng pamahalaang papanlalawigan ng Isabela partikular sa barangay Alibagu, lungsod ng Ilagan.


Aniya mas mapapabilis ang pagpunta ng mga magpapamember at magpapaayos ng anumang problema sa SSS kung ito ay hindi masolusyunan sa online services ng nasabing ahensya.

Maliban sa taong bayan dito sa rehiyon dos ay makakatulong din umano ang magiging bagong gusali sa lahat ng opisyal at empleyado ng SSS lalo na sa pamunuan ni SSS President & CEO, Atty. Emanuel F. Dooc.

Samantala ipinapaabot umano ni 3rd. District Congressman Rodito Albano na susuportahan niya ang anumang paglaganap ng gusali at sa buong pamunuan ng SSS.

Facebook Comments