Ipapatupad na price ceiling sa bigas, dapat tapatan ng ibayong suporta sa mga magsasaka

Iminungkahi ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka sa harap ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magpatupad ng P45 kada kilo na price ceilings para sa well-milled na bigas sa buong bansa.

Para kay Lee, isang stopgap measure ang nabanggit na utos ni Pangulong Marcos para mapagaan ang pasanin ng consumers na matagal nang bugbog sa nagtataasang presyo ng mga bilihin.

Gayunpaman, iginiit ni Lee na makabubuting tapatan ito ng ibayong suporta sa mga magsasaka tulad ng agarang pamamahagi at pagdaragdag ng post-harvest facilities.


Suhestyon din ni Lee ang pagpapalakas sa Anti-Agri Smuggling Law, para bukod sa smugglers, mapanagot din ang mga hoarders, price manipulators at mga kasabwat sa gobyerno na dahilan ng pagsipa ng presyo ng agri-products tulad ng bigas.

Ayon kay Lee, kapag nasigurong kumikita ang mga magsasaka, mas maeengganyo silang magpatuloy sa pagsasaka at pataasin pa ang kanilang produksyon, na makakatulong sa ating food security at magpapababa rin sa presyo ng bilihin.

Facebook Comments