Ipapatupad na seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasado na, ayon sa NCRPO

Kasado na ang ipapatupad na seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum of the Philippines sa June 30.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Felipe Natividad, naisapinal na ang security preparation para masiguro na zero casualty maging ng ano mang untoward incident sa panunumpa.

Sa ngayon aniya ay wala naman silang namo-monitor na mga banta, pero patuloy na rin ang kanilang monitoring at koordinasyon sa kanilang mga counterparts.


Dagdag pa ni Natividad, ang mga police at military at ilang law enforcers na mayroong official duties na nakauniporme ang otorisadong magdala ng baril.

Samantala, sa panayam ng RMN Manila, muling ipinaalala ni NCRPO Public Information Officer (PIO) Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson na hindi papayagan ang mga backpacks sa lahat ng VIP areas para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Inabisuhan naman ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko partikular sa mga kalsadang patungo sa National Museum of the Philippines sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments