IPASASARA | Higit 20 travel and tours companies sa El Nido, Palawan, target ipasara ng DENR

Aabot sa 22 travel and tours companies ang target ipasara sa El, Nido Palawan dahil sa kawalan ng business permit at paglabag sa batas pangkalikasan.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, nasa 5 hotel at restaurant din ang pinatawan ng temporary closure dahil sa hindi pagsunod sa easement at itinalagang 3-meter setback at isyu sa tubig at kalinisan.

Aniya, kailangan ring ayusin ang solid waste management, ang ipinatutupad na easement zone at maging ang waste water na dumidiretso pa rin sa dagat.


Nasa 50 establisimyento pa aniya ang binabantayan ng DENR habang nasa 70 porsiyento na ng mga establisimyento ang nag-self demolish.

Paglilinaw naman ni Cimatu, ang mga lumabag na establisimyento lamang ang ipinasara at hindi ang buong El Nido.

Paliwanag naman ni El, Nido Mayor Nieves Rosento, Marso pa lamang ay sinimulan na nilang sumunod at ayusin ang mga problemang kinakaharap ng turismo sa kanilang bayan.

Pero hindi aniya nila ito kakayaning maipatupad kung walang suporta ng national government.

Tiniyak rin ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ihahalintulad nila ang seguridad sa El Nido sa ginawa sa Boracay.

Sunod na iinspeksiyunin ng awtoridad ang Panglao Island sa Bohol at iba pang tourist destination.

Facebook Comments