Manila, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga minahan na nagbibigay ng revolutionary tax sa New People’s Army.
Ayon sa Pangulo, kakanselahin niya ang permit to operate ng mga minahan na sumusuporta sa rebeldeng grupo.
Binalaan din ng Pangulong Duterte ang mga legal fronts ng NPA dahil nagagamit sila para makapag-recruit ng mga bagong miyembro.
Nagbabala rin ang Punong Ehekutibo sa mga aktibo pa sa kilusan na itigil ang paggamit sa mga lumads sa kanilang panlilinglang sa ipinaglalabang idelohiya.
Facebook Comments