IPASASARA | Turismo sa Pilipinas, posibleng maapektuhan kung ipasasara ang Boracay

Kalibo, Aklan – Aminado ang lokal na pamahalaan ng Kalibo na maging sila ay maaapektuhan sakaling isara ang Boracay sa bayan ng Malay.

Kasunod ito ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara niya ang isla kapag hindi naresolba ang sewerage at sanitation issues nito sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Kalibo, Aklan Executive Assistant to the Mayor Efren Trinidad – malaking ambag aniya ang boracay para sa turismo hindi lang sa aklan kundi sa buong pilipinas.


Tingin din ni Trinidad, kulang ang anim na buwan para tuluyang malinis ang Boracay.

Kaya panawagan niya sa mga local officials, magtulungan sa halip na magturuan.

Facebook Comments