Sorsogon – Tinanggihan ng BPI Sorsogon ang isang libong piso na idedeposito sana ng isang ginang matapos madiskubre ng kawani ng bangko na kalahati lamang ang nakaimprentang seal sa naturang pera.
Bagamat inamin ng bangko na totoo ang pera, pero hindi nila umano maaring tanggapin ito dahil sa kalahati lang ang pagkakaimprenta ng naturang seal.
Pinayuhan na lamang ng bangko na dalhin ang pera sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang ipasuri at para mapalitan ito.
Matatandaang, umani ng batikos ang BSP, matapos lumabas ang balita dahil sa problema sa pagkakaimprenta ng ilang perang papel.
Facebook Comments