IPATATANGGAL | CJ Sereno, nais ipatanggal sa pwesto sa pamamagitan ng Quo Warranto Proceedings

Manila, Philippines – Dumulog sa Office of the Solicitor General (OSG) si Atty. Manuelito Luna kasama ang kanyang kliyenteng si Atty. Eligio Mallari upang hilingin na matanggal sa pwesto si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Bagama’t dinidinig na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang impeachment complaint laban kay Sereno, nais ng kampo ni Mallari na isailalim sa Quo Warranto Proceedings ng OSG ang Punong Mahistrado.

Paliwanag ni Luna, maikukunsidera si Sereno bilang “de facto” officer dahil nuong una pa man ay hindi na balido ang kanyang appointment.


Si Sereno ay kasalukuyang nahaharap sa impeachment complaint dahil sa umano’y kabiguan nitong ideklara ang tamang yaman sa kanyang SALN at dahil umano bumagsak ito sa psychological test na isa sa mga requirement para maitalaga bilang pinuno ng Kataas Taasang Hukuman.

Facebook Comments