IPATATAWAG | CJ de Castro at 6 pang SC Justices, ipatatawag sa susunod na mga hearing ng House Committee on Justice

Manila, Philippines – Ipapatawag sa pagdinig ng House Committee on Justice ang pitong justices na inireklamo ng impeachment kabilang na si Chief Justice Teresita Leonardo de Castro.

Sa isang pulong balitaan sa QC, sinabi Akbayan Partylist Representative Tom Villarin sandaling ma-iakyat na sa proseso ng determination of probable cause ang impeachment complaints, ipapatawag na sina CJ de castro at anim pang Justices sa

Ayon kay Villarin, hindi maaring tumanggi dito si CJ de Castro dahil nauna na rin itong humarap sa kahalintulad na hearing laban sa pinatalsik na si CJ Sereno noong nakalipas na taon.


Kahapon ay naglabas ng 21-0 votes ang committee on justice na nagsasaad na sufficient in form ang inihaing impeachment complaints laban sa pitong sc justices.

Bagamat sa susunod na araw pa ng martes Setyembre a-onse ang susunod na pagdinig para dito, naniniwala si villarin na boboto ang komite pabor sa sufficiency in substance ng inihaing impeachment.

Culpable violations of the constitution at betrayal of public trust ang ginamit na grounds ng mga complainants sa pagsasampa ng impeachment laban kina Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam, Andres Reyes jr, Alexander Gesmundo at CJ Teresita Leonardo de Castro.

Facebook Comments