IPATATAWAG | Secretary Tugade, ipasusubpoena ng House Committee on Transportation na nag-iimbestiga sa Bus Rapid Transit projects

Manila, Philippines – Ipapatawag sa susunod na pagdinig ng House Committee on Transportation sina Transportation Sec. Arthur Tugade at Asst. Sec. Mark de Leon.

Pagpapaliwanagin ni Transportation Committee Chairman Cesar Sarmiento sina Tugade at De Leon dahil sa pagpapadala ng maling kinatawan sa pagdinig sa Bus Rapid Transit projects.

Hindi aniya masagot ng mga ipinadalang kinatawan ang mga katanungan ng mga kongresista tungkol sa BRT.


Dahil dito ay muli na namang ipinagpaliban ang nasabing pagdinig.

Iginiit ng mambabatas ang kahalagahan ng BRT sa kalakhang Maynila maging sa Cebu para masolusyunan ang nararanasang trapiko sa mga nasabing lugar kaya dapat ay may nalalaman tungkol dito ang mga ipinadalang kinatawan ng DOTr.

Matatandaan na noong Hunyo, pinalutang na ng DOTr ang kanilang rekomendasyon na kanselahin na ang naturang proyekto dahil sa infrastructure constraints ngunit hindi tinanggap ng mga mambabatas at ibang opisyal.

Facebook Comments