IPATUTUPAD | 50 KPH speed limit sa EDSA, epektibo na sa December 14

Manila, Philippines – Epektibo na sa Disyembre 14 ang 50 kilometer per hour speed limit sa mga pampasaherong bus at truck.
Ayon kay Crisanto Saruca, MMDA Council Secretariat, sakop rin ng panukala ang mga truck na may gross capacity weight na 4,500 kilogram pataas.
Aniya, nailathala na ang bagong regulasyon noong Disyembre 8.
Ipapatupad aniya sa mga major road gaya ng EDSA, C5, Commonwealth Avenue, Roxas Boulevard at Quezon Avenue.

Facebook Comments