Manila, Philippines – Ipatutupad na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) simula ngayong araw ang pagtataas sa 4.7% policy rate.
Ayon sa BSP – patuloy silang maglalatag ng non-monetary measures para mapagaan ang epekto ng inflation sa bansa.
Base sa kanilang inflation forecast, 3.5% sa 2019 at 3.3% para sa 2020.
Ilan sa mga factors na kanilang ikinukonsidera kung bakit tumamlay ang inflation sa 2019 ay ang mga non-monetary measures kabilang na ang rice tariffication bill at suspensyon ng ikalawang trance ng oil excise tax.
Ito na ang dahilan kung bakit tinaasan na ang policy rate sa kabila ng mataas inflation expectation.
Mula sa 5.2%, umangat naman sa 5.3% ang inflation forecast para sa 2018 bunsod ng paggalaw ng langis sa world market gayundin ang pagtaas ng pamasahe sa mga pampublikong jeep.