Ipatutupad na alert level system with granular lockdown, kasado na sa September 16

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kasado na ang ipatutupad na panibagong quarantine classification na tatawaging “Alert Level system with granular lockdown” sa darating na Huwebes, Setyembre 16.

Ayon kay DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, bagama’t may mga ilang bagay pa na pinag-aaralan hinggil dito, sa kabuuan ay handang-handa na ang gobyerno sa ipapatupad na granular lockdown.

Dagdag pa ni Malaya, posibleng ianunsyo ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque bukas o sa Martes ang alert level sa bawat lugar sa oras na inaprubahan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Matatandaan na dapat nung Miyerkules, September 8, ang pilot testing para sa granular lockdown sa Metro Manila pero naurong ito dahil wala pang pinal na guidelines ukol dito.

Facebook Comments