Ipatutupad na price celling sa baboy at manok, hindi tanggap ng mga tindero sa Pasig Mega Market

Pumalag ang ilang nagtitinda ng baboy at manok sa Pasig Mega Market sa price celling na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay kasi sa Executive Order 124 pinako sa sa P270 kada kilo sa kasim o pigue, P300 per kilo para sa liempo at P160 naman ang kada kilo ng manok.

Sa ngayon, ang presyo ng manok at baboy sa Pasig Mega Market ay nasa P400 kada kilo sa liempo at ang laman at pigue, ay nasa P360 ito kada kilo.


Habang ang kilo ng manok naman ay nasa P170 per kilo.

Ayon sa mga nagtitinda ng manok at baboy sa Pasig Mega Market, kung sakaling ipatupad na ang EO 124 ay mapipilitan silang magsara o huminto muna ng pagtitinda ng baboy at manok dahil nasa P290 hanggang P300 ang kanilang puhunan.

At imposible nang ibenta sa merkado ang mga nasabing bilihin, dahil mahal ang presyo mula sa kanilang pinagkukunan.

Kaya naman, payo nila sa pamahalaan, kontrolin ang presyo ng farmgate price at hindi ang presyo sa merkado.

Facebook Comments