Manila, Philippines – Higit tatlong buwan pa bago mag-Pasko.
Pinaghahandaan na agad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga ipatutupad nilang traffic scheme sa Kamaynilaan.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago – tumataas sa 10 hanggang 15 porsyento ang dami ng mga sasakyang bumabiyahe sa EDSA tuwing papasok ang “Ber” months.
Kaya ngayon pa lang, nakikipag-usap na sila sa mga mall at commercial establishment owners sa Metro Manila para alamin ang mga pwedeng gawin para maibsan ang posibleng pagsikip sa daloy ng trapiko.
Kabilang sa mga ipatutupad ulit ng MMDA ang moratorium sa mga road repairs pero exempted dito ang mga proyekto ng gobyerno, daytime deliver ban maliban sa perishable goods, weekend-payday sales ng mga mall at pag-aadjust sa operating hours nito.