Manila, Philippines – Nanawagan si dating Dept. of Health (DOH) Sec. Esperanza Cabral sa Public Attorney’s Office (PAO) na itigil ang autopsy at forensic investigation sa mga bangkay ng mga hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia.
Paliwanag ni Cabral, ipaubaya na lamang ang trabaho sa mga totoong eksperto.
Igiinit pa ni Cabral, na mali ring isapubliko agad ang kanilang findings dahil hindi pa tiyak kung sa Dengvaxia vaccine namatay ang mga bata.
Matatandaang sa inilabas na findings ng Phil. General Hospital (PGH) dengue investigative task force, tatlo lamang mula sa 14 na nasawing batang nabakunahan ng Dengvaxia ang namatay dahil sa dengue.
Pero hindi rin malinaw kung ang dengue vaccine ang dahilan ng kanilang kamatayan.
Facebook Comments