IPAUUBAYA | Pagsasagawa ng plebisito para sa BOL, ipauubaya na sa COMELEC – Malacañang

Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng Malacañang sa Commission on Election (COMELEC) ang pagsasagawa ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL.

Matatandaang kailangang pumasa sa plebesito ang naturang batas para ganap na maipatupad sa Bangsamoro region.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang independent constitutional body ang COMELEC kaya hindi ito pwedeng utusan ni Pangulong Rodrigo Dutgerte na gawin ang mga dapat gawin.


Naniniwala naman si Roque na sa oras na maging ganap nang epektibo ang BOL ay alam na ng COMELEC ang kanilang dapat gawin na naaayon sa kanilang mandato.

Facebook Comments