IPAUUNAWA | ConCom, mag-iikot sa bansa para ipaunawa sa publiko ang federal gov’t

Manila, Philippines – Simula sa Hunyo 17, iikot ang binuong Consultative Committee (Con-Com) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang lugar sa bansa upang ipaunawa sa publiko kung ano ang Federal Govt.

Sa press conference kanina, sinabi ni Con-Com Spokesman Conrado Generoso na nasa Dumaguete ang kumite sa darating na June 17-19 habang nasa Butuan naman pagsapit ng June 21 to 23, Legazpi City June 25 to 27 maging sa Baguio at Tacloban City.

Sinabi ni Generoso na hindi pa naman pinal ang mga syudad na kanilang bibisitahin pero napili ang mga ito dahil sa practicality.


Ang mga nabanggit na lugar kasi ay may mga myembro ang con-com kung kaya at hindi sila mahihirapan sa pagsasagawa ng konsultasyon.

Sa ngayon 3 articles na lamang ang pnplantsa ng kumite kabilang dito ang articles on federated regions, transitory provisions, and amendments.

Target aniya ng Con-Com na ma-finalize ito pagsapit ng June 14 upang magkaroon pa ng 2 linggo ang Malakanyang para mapag aralan ang draft constitution bago ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Facebook Comments