Manila, Philippines – Patuloy ang pag-iikot para sa pagsasagawa ng pagpapakalat ng impormation ng Unlad Pilipino Sulong Federalismo Inc. para maunawaan ng mamamayan ang tamang layunin at epekto ng Federalismo sa bansa.
Ayon kay dating PCG Rear Admiral Luis Tuason Jr Chairman ng UNLAD Pilipino Sulong Federalismo Inc. hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang hindi nakakaunawa kung ano ang Federalismo kung saan isang uri ng pamahalaan na pamumunuan din ng isang halal na Pangulo.
Paliwanag ni Tuason ang Federalismo ay isang form of government na hahatiin sa siyam na Estado na kontrolado ng Lokal Govenment kung saan ang itinatalaga na Provincial Coordinator at ang mga Mayor ang may kapangyarihan sa kanilang mga Bayan.
Dagdag pa ni Tuazon na ang Federalismo aniya ay inilalapit ang mga mamamayan sa mga pinuno at mga Mambabatas sa Estado.
Makakaroon din ng karagdagang pondo para sa mga Munisipalidad at maayos na programa sa pagkakaroon ng bahay at magkakaroon din ng programa sa kalusugan at edukasyon at pagbuti ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagdami ng trabaho at negosyo