IPC, tiwala ang Senado na magiging batas bago ang ika-limang SONA ni PBBM sa Hulyo

Umaasa si Senate President Tito Sotto III na magiging ganap na batas na ang Independent People’s Commission (IPC) bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo 27.

Ang IPC Bill na ipapalit sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang magpapatuloy sa imbestigasyon ng mga maanomalyang proyekto sa pamahalaan tulad ng flood control projects scandal.

Tiwala si Sotto na lalagdaan ni PBBM ang IPC Bill at hindi na kakailanganing sertipikahan pa itong urgent para maipasa.

Sinabi ni Sotto na noong nagdaos ng LEDAC meeting noong Disyembre ay binigay sa kanya ni Pangulong Marcos ang kasiguraduhan na kasama sa priority bills ang IPC.

Target ng Senado na sa Pebrero ay pagtibayin na ang IPC bill sa ikatlo at huling pagbasa.

Facebook Comments