Manila, Philippines – Ipina-contempt ng House Committee on Dangerous Drugs si Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.
Sa imbestigasyon ng komite kaugnay sa nakalusot na iligal na droga sa BOC, nagmosyon si Public Order and Safety Chairman Romeo Acop na i-cite in contempt si Guban dahil sa paiba-ibang sagot nito sa mga kongresista.
Ilan sa mga pabago-bagong sagot ni Guban ay ang pagtatwa nito sa mga kasamahan sa Intel Group ng BOC pero lumabas sa isang dokumento na magkakasama sila sa isang operasyon.
Ayon kay Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers, kapag pinakawalan na ng Senado si Guban ay saka naman ito ide-detain sa Kamara.
Nakadetain si Guban sa Senado dahil nai-contempt din ito ng Blue Ribbon Committee dahil naman sa hindi umano pagsasabi ng totoo.
Sakaling mailipat sa Batasan si Guban ay hindi ito pakakawalan kung hindi magsasabi ng buong katotohanan sa gitna ng imbestigasyon sa isyu ng shabu shipment.