Manila, Philippines – Ipinaalala ni Senate President Tito Sotto III sa lahat ng mga mga opisyal ng pamahalaan na sila ay mga alila at ang kanilang boss ay taongbayan.
Bunsod nito ay ipinaalala ni Sotto sa lahat ng mga government officials na sumunod sa mga polisiya na ipinapatupad para sa lahat.
Inihalimbawa ni Sotto, ang traffic rules at mga patakaran sa paliparan kung saan maging sya ay pumapayag na magtanggal ng sapatos, pati jacket at sinturon pa.
Ayon kay Sotto, hangga’t maari ay ayaw niyang dumadaan sa VIP section kahit siya ay Pangulo ng Senado.
Ang pahayag ay ginawa ni Sotto, sa harap ng isyu ng pagpalag ni OFW Acts-OFW Partylist Representative Aniceto John Bertiz sa isang security personnel sa naia na nagpapatanggal sa kanyang sapatos.
Giit naman ni Senator JV Ejercito, hindi lisensya ang pagiging mambabatas para labagin ang mga patakaran sa paliparan.
Kaya payo ni Ejercito kay Bertiz, sa halip na magpalusot ay mainam na humingi ito ng tawad sa empleyado ng NAIA na kanyang kinompronta.