IPINAALALA | Pagiging unconstitutional ng pork barrel, iginiit ni Sen. Lacson sa liderato ng Kamara

Manila, Philippines – Ipinaalala ni Senator Panfilo Ping Lacson kay dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Arroyo na labag sa konstitusyon ang Priority Development Assistance Fund o PDAF na tinatawag ding pork barrel.

Pahayag ito ni LACSON sa kanyang twitter post makaraang tiyakin ni ARroyo na walang kongresista ang mapagkakaitan ng pondo para sa kanyang nasasakupan.

Taliwas ito sa ginawa ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi pagbibigay ng budget sa mga miyembro ng Kamara na nasa panig ng oposisyon.


Pero giit ni Lacson, sa naging desisyon ng Supreme Court noong 2013 ay idineklara ang PDAF na ilegal o unconstitutional.

Facebook Comments