IPINAALIS | Dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo, iginiit na hindi siya terorista

Manila, Philippines – Ipinaalis ni dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo ang kaniyang pangalan sa terrorist list ng Department of Justice (DOJ).

Sa 40 pahinang petisyon na inihain ni Ocampo sa Manila Regional Trial Court (RTC) branch 19, mariing itinanggi nito na isa siyang opisyal, miyembro, o representative ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Giit ni Ocampo, isa na namang kaso ng political persecution ang nasabing terror list laban sa mga lider ng progresibong mga organisasyon.


Gasgas na rin aniya ang taktika ng DOJ para bahiran ang pangalan ng mga lider at peace negotiators.

Matatandaan kabilang ang pangalan ni Ocampo sa petisyon ng DOJ na hinihiling na pormal nang ideklarang terorista ang 600 indibidwal na konektado sa CPP-NPA.

Facebook Comments