Manila, Philippines – Muling iginiit ng Philippine Competition Commission (PCC) na dapat ay bumalik sa normal ang operasyon ng Uber habang pinag-aaralan ng PCC ang pagsanib ng Transport Network Company (TNC) sa Grab.
Ayon kay PCC Commissioner Stella Quimbo, kailangan independent ang operations para hindi rin ma-prejudice ang powers ng PCC.
Una nang sinabi ni Grab Country Manager Brian Cu na bagaman aktibo pa rin ang Uber app, limitado na lang ang “functionality” o iyong mga serbisyong kayang ibigay nito.
Giit pa ni Quimbo, ang papel ng PCC sa nangyaring pagbili ng Grab sa Uber, kabilang ang pag-aaral nila sa magiging epekto ng acquisition deal sa mga driver at pasahero.
Sabado nang ipag-utos ng PCC ang patuloy na hiwalay na operasyon ng Uber at Grab habang pinag-aaralan ng komisyon ang pagsasanib ng dalawang TNC.