Manila, Philippines – Ipinababalik ng Kamara sa DBM ang pondo para sa flood control mitigation projects ng DPWH.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles, bumaba sa 1,811,000 ang flood mitigation structures and drainage systems na target para sa 2019 kumpara sa 1,936,000 na flood projects ngayong 2018.
Lumalabas na mahigit 100,000 flood mitigation projects ang naibawas sa proyekto para sa susunod na taon.
Nababahala si Nograles na sa halip na masolusyunan ay lumala ang pagbaha dahil sa ibinawas na bilang ng mga proyekto.
Sa halip na bawasan ay dapat pa nga itong dagdagan ng gobyerno.
Giit pa ng mambabatas dapat na maibalik ang bilang ng flood mitigating projects na kasing dami din ng bilang ng proyekto ngayong taon.